Entry: Kurot sa Puso Tuesday, June 08, 2004



Minsan parang ang sarap na lang talaga ‘wag mag-isip. Minsan katulad ng araw na ‘to, parang gusto ko lang maging bobo. Tumanga sa kawalan. Walang iniisip. Naubos na ata utak ko sa katakot takot na paga-analyze ng mga financial statements, negosyo, ekonomiya at industriya nitong nakaraang mga araw. Napadaan nga ako sa blog ng ka-opisina ko kanina. Buti pa sha nakakapag-blog.

GULAY AKO NGAYON!

Sa mga oras na to may nakabukas na Annual Report ng isang malaking kliyente ng bangko sa harap ko, may ruler pa nga na transparent sa gitna. Pampabawas kasi ng kaguluhan yang ruler na ‘yan. Pag puro numero kasi ang tinititigan mo buong araw, and taas ng posibilidad na maduling ka.

Ang labo na nga ng mata ko eh. ‘Pag siguro mga 10 feet away na sa akin yung tao eh pinaghalo-halong kulay na lang mukha nila. Pero kaya pa namang walang salamin. Meron naman talaga akong salamin, ayoko lang suotin. Siguro nga malapit na akong maduling.

“Best of the 80’s” ang tema ng istasyong pinakikinggan ko nung Friday. At ng buong opisina na rin dahil hindi naman ako naka ear phones. Pinatugtog ang “Heart of Mine”. Anak naman ng kalapating hilaw oo! (kung ano man ibig sabihin nun, di ko din alam, masarap lang sabihin) Sa lahat naman ng kanta! Eh ano eh, kainis. Kasi makabagbag damdamin yung lyrics…

“No you can’t stop the hands of time,
And you will always be the one she left behind.
Heart of mine, how will you keep from dying?
Stop reminiscing. Who is she kissing?”

Diba may kurot sa puso? Kainis. Maiiyak ka sa sobrang sentimiento! Ayoko na sanang isipin--- kasi naalala kong minsan na ring kumurot sa puso ko yan! Ang baduy! Bwisit. Isa tuloy yung event na yun sa pinagsisisihan ko ngayon. Yung mga dramang ganun?! Ninanamnam mo bawat lyrics habang pinipigilan mo pa kunwari ang pagtulo ng luha mo? Ok lang kung nagpapatawa ka eh, ang hirap nun seryoso ka pa nung lagay na yun!

May painlab-inlab pa kasing nalalaman. Nakakahiya tuloy! At isa lang yan sa mga nilalasap lasap kong mga kanta noon! Kainis diba? May mga tula tula pa nga ata akong ginawa noon at mga makabagbag damdaming mga sulat! Ba’t kasi pag ang tao talaga naiinlab parang lasing, naiiba?

Siguro nga, kahit pa anong reklamo ko, sobra ko ding minahal yung trabaho ko at one point-- kaya naiba na rin itsura ko. Nag mukha na akong harassed. Kulang na lang tagpi-tagping damit, bahid ng sipon sa mukha at karaokeng basag ang speaker pwede na akong umupo sa overpass.

Tumawag sa akin yung kaibigan kong bading nitong linggo. Punyemas na yun, may boypreng bago. Bakit nga kaya mas mabilis pa silang makahanap ng boyprend kesa sa mga seryosong babae? Minsan tuloy natatanong ko sa sarili ko kung seryosong babae nga ba talaga ako. Shempre wala nanamang kwenta itong huling sinabi ko. Ang labo!

Hay, ang utak talaga napakadaldal! Trabaho na nga, psycho! Trabaho!




***********

MGA DAPAT HINDI NYO NA MALAMAN:

Paul (of skeet),if you're reading this, I've been trying to visit you for the longest time now, but the graphics may be too heavy for my PC. It hangs. I've been dying to make a comment and read your entries. Not that I'm a snob bro, I just can't get into your site! Aaaaargh! Frustration kills me! Thanks for the insightful comments though. Hope I can access you soon.


   2 comments

Paul
June 9, 2004   03:20 PM PDT
 
ey angel, yeah, there are times it's really hard to access my blog because of the background, too heavy. i'm thinking of changing the layout when i have the time. hope to see you there. :)

okay tong entry mo ah. nainspire tuloy ako na maggawa ng entry about my kabaduyan whenever i'm in love or whenever i think im in love.hehe.
mud
June 8, 2004   04:21 PM PDT
 
"Minsan tuloy natatanong ko sa sarili ko kung seryosong babae nga ba talaga ako."

--> ah, so 'eto ba yung mga pagkakataong naririnig kitang nagtatanong kung lalake ka ba sa nakaraan mong buhay?
(kinikilabutan ako, sa totoo lang. :P)

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments